Friday, September 25, 2015

Si Gian

Magandang araw po sa inyong lahat lalo na sa moderator ng site na ito. Nais ko po sanang ilathala ang isang kabanata ng buhay ko na kung saan nakaramdam ako ng tunay na pagmamahal. Hindi po ako magaling magsulat ng kwento kaso gagawin ko po lahat ng makakaya ko maihatid lang ng maayos ang kwento ng ilang bahagi ng buhay ko.(Medyo mahaba ito)

Isang simpleng tao na may simpleng personalidad at pangarap. Iyan ang mga katangiang makapaglalarawan sa akin. Sa unang tingin ako ay isang tipong masungit pero kung makikilala mo kung sino talaga ako ay malalaman mong ako ay kalog. Aminado ako na hindi ako gwapo, subalit napakataas ng standards ko pagdating sa pagpili ng mga gwapo (lalo na sa pagpili ng crush ko). Basta pag nakakita ako ng lalaki at sinabi kong gwapo ito ay talaga naman hindi na makapaghintay na makita siya ng mga kamag aral kong mga babae dahil alam nila na talagang gwapo ito.

Bata pa lang ako ay alam ko nang babae ako na nakapaloob sa katawan ng isang lalaki. Hangga't maaari ay ayaw kong magpahalata na bading ako pero hindi ako magaling na actor kaya napaghahalata rin ang tunay kong katauhan. Marami ang nakakapansin na bading ako at natural na tinutukso nila akong bading lalo na ang mga kalalakihan ( mga pangit man o ganun din ang mga gwapo at ang mas mas masakit pa nito , minsan kung sino pa yung crush ko ay isa siya sa mga iyon). Madalas kapag ganoon ang sitwasyon, ay nadudurog ang puso ko. Napapaisip na lang ako na bakit napakalupit ng mga tao sa gaya ko. Bakit kasalanan ko ba na magkaganito ako? Bakit hindi na lang ako naging babae? Ano ba ang masama sa pagiging bading?

Ilan lamang yan sa mga katanungang bumabagabag sa akin gabi-gabi. Dahil sa mga panlalait na iyon ay tumatak sa isip ko na hanggang pangarap na lang ang mga lalaki. Hindi na ako umaasa na may isang lalaki (syempre yung tipong tall, dark and handsome) na magmamahal ng tapat sa akin.

Nung 1st year college ako ay naging homeroom mayor ako sa klase namin. Maganda naman ang performance ko kaya naman tuwang tuwa ang mga profs ko kasi napaka active ng section namin kumpara sa iba. Kaya naman nung dumating ng kami ay magsecond year ay naging officer na ako ng student council namin dahil na rin sa tulong ng mga profs ko. Tinulungan nila akong mangampanya dahil alam nila na mahiyain akong tao.

Dumating ang intramurals sa school namin, bilang isa sa mga officers ay naatasan akong pamahalaan ang mga players at ako ang naging officer in charge sa mga players namin sa volleyball boys and girls. Dun ko unang nakita si Gian.

Isa siyang varsity sa university namin. Isa siyang volleyball player. Hindi naman kagwapuhan si Gian kaso ang galing niyang maglaro. Hindi naman talaga ako mahilig sa sports, maging ang panonood ng mga laro tulad ng volleyball, basketball, tennis, etc ay hindi ko ginagawa dahil priority ko ang pag aaral ko at pagsali sa student council namin sa kadahilanang hindi naman kami mayaman kaya nag aaral akong mabuti dahil sayang ang tuition kung saka sakaling lumagapak ako sa mga subjects ko.

Noong una hindi ako attracted kay Gian dahil ang attensyon ko ay na kay Mr. Lamsen. Isa rin siyang volleyball player kaso nasa ibang year level na siya kaya naman ay kalaban ng koponan namin ang koponan nila. Si Mr. Lamsen ay napakagwapo kaso may pagkamasungit. Siya yung tipong hindi papatol sa bading. May pagka gay hater kung baga. Ni makalapit sa kanya eh hindi ko magawa kasi natatakot ako.

Isang araw pagkatapos nilang maglaro ay nakita ko si Gian na kausap niya si Mr. Lamsen at napuna ko na close sila kaya naman ang ginawa ko ay kinaibigan ko si Gian dahil alam ko na siya ang magiging susi ng pagkakalapit namin ni Mr. Lamsen. At hindi nga ako nabigo, dahil na rin sa pagiging likas na mabait at matulungin ni Gian ay kaya naging magkaibigan kami. Dahil kay Gian ay napalapit ako kay Lamsen kaya naman ang laki ng utang na loob ko kay sa kanya.

Simula noon ay nahilig na ako sa volleyball up to the point na nakikisali na rin ako sa mga practice game nila pero hindi ko pa rin pinabayaan ang pag aaral ko. Hindi ako matalino pero syempre hindi ko pa rin pinabayaan ang pag aaral ko. Bilang pagtanaw ng utang na loob ko kay Gian ay tinutulungan ko siya sa pag aaral niya (sa mga assignments, projects at mga paper works). At doon naging palagay ang loob ko kay Gian. Nag open ako sa kanya ng tungkol sa kasarian ko at hindi na raw siya nagulat. Halata naman daw eh pero buti na lang daw at hindi ako katulad ng ibang bading na sobrang landi na daig pa ang ibang mga babae. Ipinagtapat ko rin ang tungkol sa nararamdaman ko kay Lamsen at nagulat siya. Tinukso niya ako pero nung napikon ako ay inamo amo niya ako. Pinangako rin niya na tutulungan niya akong mas mapalapit kay Lamsen.

Simula nang araw na iyon ay napalapit nga ako kay Lamsen kaya ang saya saya ko. Bukod pa roon ay marami kaming gimik ni Gian dahil sa tuwing uwian galing sa school ay dumadaan muna kami sa videoke bar. Ang mga araw ko ay punong puno ng saya sa piling ni Lamsen at ang kaibigan kong si Gian. Ngunit nabago ang lahat nang dumating ang araw ng pagtatapos nina Lamsen. Kinausap ko si Lamsen at pinagtapat ko ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi siya kumibo pero hindi rin siya nagalit pero alam ko na nabigla siya at naturn off siya sa akin. Totoo ang hinala ko, si Lamsen ay hindi pumapatol sa gaya ko. At simula noon ay nawala ang komunikasyon namin ni Lamsen sa isa't isa. Unti unti niya akong nilayuan hanggang nawala na siya ng tuluyan.

Si Lamsen ang unang lalaking bumighani sakin at unang dumurog sa puso ko. Ang sakit na idinulot niya sa puso ay matagal kong pinagdusahan. Pakiramdam ko nga noon eh katapusan na ng mundo. Walang ibang dumamay sa akin kundi si Gian lang.

Isang araw, nadatnan ako ni Gian na nakabulagta sa boarding house kong walang malay dahil sa sobrang kalasingan. Magka iba ang boarding house namin pero magkalapit lang naman. Madadaanan ni Gian ang boarding house ko kaya lagi siyang dumadaan sa amin para sunduin ako para sabay kaming pumasok sa school. Dali dali niya akong itinakbo sa hospital. Inuna niya ako. Mas pinili niyang bantayan ako sa hospital kaysa sa pumasok sa school. (May summer class kami noon). Nagising na lang ako na may hawak siyang gitara at sinumulan niya akong tugtugan ng paborito naming kanta.

"Tonight it's very clear
As we're both lying here
There's so many things i want to say
I will always love you
I will never leave you alone"

Habang kumakanta siya ay nakatitig siya sa akin. Magaling pala siyang tumugtog ng gitara. Ang boses naman ay mapapatawad na rin hehehehe.

"Sometimes i just forget

Say things i might regret

It breaks my heart to see you crying

I don't want to lose you

I could never make it alone"

Tuloy pa rin siya sa pagkanta niya. Nahihiya ako sa kanya kasi dama ko ang sinasabi noong kanta. Tumatagos sa puso't isipan ko pero kailangan kong itago ang aking nararamdaman. Dapat hindi niya mahalata ang nararamdaman ko hanggang sa marating niya ang chorus ng kanta.

"I am a man who will fight for your honor

I'll be the hero that you're dreaming of

Gonna live forever, knowing together

That we did it all for the glory of love"

Bigay na bigay siya sa pagkanta. Dama ko na galing sa puso bawat salitang nanggagaling sa bibig niya. Natutulala ako kasi hindi ko na maitago ang nararamdaman ko kaya para hindi siya makahalata ay sinabayan ko na lang ang pagkanta niya.(pero siyempre ang mensahe nung kanta ay inaalay ko rin sa kanya)

"You keep me standing tall

You help me through it all

I'm always strong when you're beside me

I have always needed you

I could never make it alone"

Tuloy ang kanatahan namin nang bigla siyang huminto sa pag gigitara niya at napansin ko na lang na may namuong mga luha sa gilid ng mata ni Gian. Gusto ko sanang itanong kung ano ang problema pero bago pa ako makapag salita ay nagwika siyang "Makinig ka sa kanta ko. Alay ko ito sa iyo."

"Just like a knight in shining armor

From a long time ago

Just in time i'll save the day

Take you to my castle far away"

Matapos niyang kumanta ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga pangyayaring iyon. Kumbaga kung sa panaginip ay ayaw ko nang magising pero sa halip na sabihing mahal ko siya ay iba ang lumabas sa mga bibig ko. "Ano ka ba, alam mo naman na si Lamsen lang ang mahal ko diba friend?" (Sinusubukan ko lang kong totoo ba iyong mga sinasabi niya. Mahirap na ang mapahiya)

"Joke lang naman iyon friend. Alam ko naman yon eh. Ikaw naman naman hindi ka na mabiro", wika ni Gian.

Siyempre nasaktan at napahiya ako pero hindi ko na lang pinahalata sa halip ay binigyan ko na lang siya ng maikling ngiti. Simula nang araw na iyon ay unti unting nawala ang sakit sa puso ko. Nagpasalamat ako sa Diyos at binigyan niya ako ng kaibigang gaya ni Gian. Bumalik ang dating ako na masayahin. Ang araw ko ay umikot sa buhay eskwela at kay Gian bilang isang napakahalagang kaibigan.

Isang araw, hiniram ni Gian ang cellphone ko. Nakitext siya.(wala pa kasi siyang cellphone noon).. Nang may magreply ay dali daling siyang umalis. Sinabihan niya ako na kailangan niyang umuwi ng boarding house kasi may emergency daw. Hindi naman ako makasunod kasi kulang 5 minuto na lang ay may klase na ako. Kaya buong class hour ko that time ay tulala ako at iniisip kung ano yung emergency na nangyari. Pagkatapos ng klase ay dali dali akong lumabas at nakita ko na lang si Gian sa harap ng gate ng school. Masayang masaya siya. Tinanong ko kung bakit siya masaya. Ang akala ko pa naman ay may emergency kaya kinabahan ako. Ngunit sa halip na sumagot at kinuha niya ang mga braso ko at dinala niya ako sa videoke bar na tambayan namin. Inilibre niya ako. Nung tinanong ko siya kung ano ba talaga ang nangyari ay hindi pa rin siya sumagot sa halip ay dumukot siya sa bulsa ng pantalon niya at inilabas ang isang bagay. Isang cellphone. Ibinilihan pala siya ng tatay niya at inihatid sa boarding house niya.

Umiral ang kalokohan sa aking isipan. Hiniram ko ang cellphone niya at nagtext ako sa sarili kong number para makuha ang number niya ng hindi niya nalalaman. Kinagabihan ay tinext ko siya. Nagpanggap akong babae at agad naman siyang sumagot.

Dess(nick name ko po iyan): hi. Would you be my textmate? I'm jenny 18 f basista, pangasinan.

Gian: Wer did u get my no? I'm Carlo 18 m malasiqui.

Dess: Sa maniwala ka at sa hindi ay inimbento ko lang.

Gian: gnun? ang galing mo naman.

Dess: Nakatsamba lang. Sa totoo lang marami akong inimbento pero kaw lang ang sumagot.

Gian: ah ganun ba? Teka may bf ka na ba?

Dess: wala pa eh. Wala pa akong napapatid. Ikaw? May gf ka na ba?

Gian: wala pa eh. Pero may crush ako. Gay siya pero hindi niya alam na gusto ko siya.

Dess: Talaga?(syempre nagulat ako) are u joking?

Gian: Hindi noh. Mahal ko iyong friend ko, pero hindi niya pansin itong nararamdaman ko. Kaibigan lang talaga turing niya sa akin pero siya, mahal ko na siya.

Dess: Bakit hindi mo sabihin sa kanya. (Syempre kinikilig ako)

Gian: Kasi natatakot ako na baka lumayo siya eh. Baka kasi magalit siya.

Dess: Hindi iyon magagalit. Baka matuwa pa nga siya kasi may nagmamahal sa kanya..

Gian: Talaga? Sigurado ka?

Dess: Oo siguradong sigurado. P a n t a s y a . c o m

Gian: Sige aaminin ko na. Dess, mahal kita. Matagal ko nang nararamdaman ito pero natatakot ako kasi baka layuan mo ako kapag nalaman mo na hindi lang kaibigan ang turing ko sa iyo. Mabait ka kasi, hindi malandi at matalino.

Dess: Oh bakit mo sa akin sinasabi iyan. Dapat dun sa mahal mo iyan sabihin.

Gian: Dess alam ko kaw iyan. Number mo kaya ito. Ito iyong tinext ko kanina nung nakitext ako kanina sa'yo. Isinave ko na rin ang no. mo pagkakuha ko ng cp.

Para akong binihusan ng malamig. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nahihiya akong magpakita sa kanya. Sunod sunod ang mga text niya sa akin.

Gian: Galit ka ba?

Gian: Sorry ha. Di ko na kasi mapigil eh.

Gian: Uy reply naman jan

Gian: Friend mahal talaga kita kaya sana huwag mo akong layuan oh..

Gian: Dess, usap tayo bukas.

Gian: Sige nyt na. Mwah.

Nang gabing iyon ay napakasarap ng pakiramdam ko. Nakatulog ako ng mahimbing.

Kinaumagahan ay naghanda na ako para pumasok. Nakita ko si Gian na nasa harap ng gate ng b-haws at hinihintay ako. Nilapitan niya ako at humihingi ng tawad. Hindi ko siya kinausap. Nakarating kami sa school ng hindi ko siya kinikibo. Dumiretso ako sa CR para maghilamos subalit sumunod siya. Inilock niya ang pinto at bigla niya akong hinalikan. Natulala ako subalit sa isip isip ko ay napakasaya ko pero sa kabila ng lahat ay nagawa ko pa rin siyang itulak papalayo sa akin kaya naghiwalay ang mga labi namin. Nagsimula siyang magsalita, "Dess please naman oh. Kausapin mo ako. Sabihin mo lang kung ano ang ayaw mo sa akin at babaguhin ko." Awang awa ako sa kanya kasi malapit na siyang umiyak kaya naman ay sinagot ko ang mga katanungan niya. "Wala kang dapat baguhin kasi mahal na mahal din kita", iyon ang mga katagang lumabas sa aking bibig. Tuwang tuwa si Gian at napasigaw siya. Paglabas namin sa CR ay pinagtinginan kami ng mga tao. Hiyang hiya ako nun pero napakasaya ko talaga.

Kinahapunan matapos ang klase namin ay nakita ko siya sa labas ng pintuan ng room namin. Hinintay niya akong lumabas at dinala sa boarding house. Bago kami makapasok sa loob ay piniringan niya ako. Nang matanggal ang takip sa aking mga mata ay nakita ko na lang ang aming mga sarili na nasa loob ng kwarto na puno ng bulaklak at may nakahaing pagkain sa lapag kasama pa ang isang rhum na madalas naming inumin. Lumipas ang ilang oras at nakarami na rin kami ng naiinom ng magsimulang umikot ang paligid ko. Naramdaman ko na lang na parang lumalabo ang paningin ko. Pipikit na sana ang mata ko nang marmdaman ko ang kamay ni Gian. Mainit na dumampi sa aking pisngi. Kinuha niya ang pisngi ko at inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha hanggang maglapat ang aming mga labi. Ang gabing iyon ay pinuno namin ng mainit na pagmamahalan. Dun lang namin napakawalan ang init na matagal na naming itinago sa isa't isa. Palibhasa ay wala akong alam sa bagay na iyon ay kaya naman para akong alipin na sumunod sa mga utos ni Gian.

Kinaumagahan ay nagising na lang akong masakit ang buong katawan lalo na sa butas sa aking likuran. May mga dugo sa kumot subalit wala akong pinagsisisihan. Si Gian ang nakauna sa akin. Nang malaman niya ito ay tuwang tuwa siya. At ang mga tagpong iyon ay naulit pa ng ilang beses. Sa CR sa school, sa sinehan, sa likod ng boarding house at kahit saan pa basta nakaramdam kami ng init ay agad naming nilalabas.

Bawat araw na dumadaan sa buhay namin ay nagpapasaya sa akin hanggang dumating ang isang araw ay nagkaroon kami ng napakalaking tampuhan. Hindi ako nakadalo sa second monthsary namin na talaga namang pinaghandaan niya. Nasa school kasi ako noon at nagrush ako ng mga projects namin.Tampuhang nauwi sa matagal naming hindi pag uusap. Sa tuwing makakasalubong ko siya ay umiiwas ako dala na rin ng galit ko sa kanya dahil hindi niya ako binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag. Sa mga araw na hindi kami magkasama ay minsan nakikita ko siya na may kasamang babae. Isa na dito ay si Emmalyn na kabatch din namin. Selos na selos ako noon. Di ko alam kung ano ang gagawin ko. Bawat oras, pakiramdam ko ay napakasikip ng puso ko. Isang araw ay nabalitaan ko na lang na nililigawan na pala niya si Emmalyn at hindi naglaon ay naging magsyota sila.

Labis ang sakit na naramdaman ko noon. Nadurog ang puso ko sa ikalawang. Muntik ko ng mapabayaan ang pag aaral ko. Lagi akong tulala. Pati kalusugan ko ay muntik ko na namang napabayaan.

Isang araw habang naglalakad ako sa school ay nakasalubong ko si Gian kasama ang bagong gf niya. Nagpakawala ako ng munting ngiti pero sa totoo lang ay gusto kong umiyak. Dali dali akong tumakbo papalayo sa kanila at agad naman itong napansin ni Gian. Hindi niya ako hinabol kasi nga kasama niya iyong girl na lalong nagpasama ng pakiramdam ko. Ang akala ko kasi ay hahabulin niya ako ngunit nagkamali pala ako.

Matapos ang klase namin ay hindi ako kaagad dumiretso sa boarding house. Nilibang ko ang sarili ko. Gabi na ng nakaramdam ako ng pagkagutom kaya nagpasya akong umuwi na lang. Pagdating ko sa boarding house ay nasaraduhan na ako dahil sa may curfew kaming sinusunod sa tinutuluyan namin. Paalis na sana ako para pumunta sa bahay ng kaklase ko para doon matulog ay naramdaman ko na lang na may kamay na humila sa akin. Sa aking paglingon, nakita ko si Gian na luhaan.

Inakala ko noon na nagkaroon sila ng tampuhan ni Emma kaya siya malungkot nang bigla siyang magsalita.Sinabi niya na hindi niya talaga mahal si Emma. Niligawan lang niya si Emma para pagselosin ako. Umagos ang luha ko. Kahit hindi ako sigurado kung nagsasabi siya ng totoo ay pinaniwalaan ko pa rin siya. Pinag usapan namin yung tunkol sa hindi namin pagkakaunawaan hanngang nauwi ang lahat sa masayang tagpo. Pinatawad namin ang isa't isa. AT isang pilyong ngiti ang kanyang pinakawalan at agad kaming dumiretso sa boarding house niya at nauwi sa maalab na tagpo ang gabing iyon.

Kinabukasan ay gumising ako ng maaga para makauwi sa boarding house ko. Doon ay ipinagluto ko siya ng almusal at pagkatapos noon ay nagpasya na akong maligo at nagbihis na ng school uniform. Lalabas na sana ako ng mabangga ako sa isang tao. Tao na nakangiti sa akin. Si Gian. Nakatayo sa harap ng bahay at nagwika na kain daw kami sa school canteen. Agad kaming nagtungo sa school at agad dumiretso sa canteen. Doon inilabas ko ang baon ko. Agad naman siyang tumayo para bumili ng maiinom. Unti unti naming binabalikan at inaalala ang aming nakaraan nang biglang dumating si Emma. Pinakilala ako ni Gian kay Emma. Mabait si Emma kaya naman naging magkaibigan din kami. Hindi ako nagtanong kay Gian kung ano na ang nararamdaman niya kay Emma kasi natatakot akong malaman ang totoo. Nagparaya at nagpakatanga ako sa mga sandaling iyon. Batid ko naman kasi na babae si Emma at ako ay gay lang. Batid ko rin ang pangangailangan ng mga lalaki. Mas kailangan nila ang babae.

Ilang araw din akong nagpakatanga. Sa tuwing magkasama silang dalawa ay wala akong magawa kundi ang magtago sa isang lugar at dun pinapakawalan ang mga butil ng mga tubig na sa mata ko lang nanggagaling. Tinanggap ko si Emma hindi bilang karibal sa puso ni Gian kundi bilang isang kaibigan. Kaibigan ang turing ko sa kanya pero talagang nagpasya ako na huwag ipaalam kung ano ang relasyon namin ni Gian. Ang tanging alam niya ay malapit kaming magkaibigan.

Lahat ng gusto ni Gian ay ginagawa ko. Wala akong pinalampas kahit na ang mga maliliit na pabor na hinihingi niya ay binigay ko. Ginawa ko ang lahat huwag lang niya akong isantabi sa puso niya.

Isang araw habang nag uusap kami ni Gian ay nagtapat siya sa akin. Inamin niya na hindi na niya mahal si Emma. Natuwa ako pero naawa ako dun sa babae. Pinayuhan ko si Gian na dapat alalahanin din niya ang nararamdaman nung babae. Nagpapayo ako pero pabor dun sa babae. Nagpapakamartyr na naman ako ng mga oras na iyon. Hanggang nagpasya siyang umalis para kausapin si Emma.

Kinaumgahan na nang muli kaming nagkita ni Gian. Nabalitaan ko na lamang na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Emma at Gian.. Hindi sinabi ni Gian ang dahilan ng pag aaway nila kaya naman hindi na ako nagpumulit pang alamin ito. At ang mga sumunod ay mga maiinit uling mga tagpo. Naging mapusok siya dahil na rin siguro sa init ng ulo niya. Nagkulang ang 3 condom nung araw na iyon at tuluyan kaming nakatulog at inabutan na kami ng hapon nang kami magising. Papauwi na sana ako ng boarding house ng biglang nagtext si Emma sa akin at inaya niya ako na kung pwede raw ay magkita kami. Dumating ako sa itinakda niyang lugar at doon ay naabutan ko ang isang Emmalyn na luhaan. Doon pinagtapat niya sa akin kung ano ang dahilan ng pag aawayan nila ni Gian.

May nagtetext daw kay Gian na isang lalaki na diumano'y kalaguyo ni Emma. Sinabi pa raw nito na nakatalik na niya si Emma. Wala akong nagawa kundi pakinggan si Emma habang umiiyak at bago ako umalis ay nangako akong tutulong upang magka ayos silang dalawa ulit.

Pagdating ko sa boarding house ay agad akong lumabas para pumunta kina Gian Tinanong ko siya tungkol dun sa sinabi ni Emmalyn at nalaman ko na gawa gawa lang pala ni Gian iyon dahil gustong gusto na talaga niyang hiwalayan si Emma. Pinayuhan ko si Gian. Sinabihan ko na mali ang ginawa niya. Sinabi ko na kung talagang gusto na niyang hiwalayan si Emma ay diretsuhin niya ito. Di na niya ito kailangang siraan pa.

Sa halip na pakinggan ang mga payo ko ay nagalit si Gian sa akin. Nakapagbitiw kami ng mga masasakit na salita sa isa't isa na humantong sa muli naming pagtatampuhan. Naulit ang mga pangyayaring ako ay umiiwas sa kanya. Ilang buwan ang nagdaan ay nabalitaan ko na lang na nagkaayos na pala sila ni Emma. Samantalang ako ay naiwan sa ere. Naiwang mag isa sa kawalan.

Akala ko ay maibabalik pa namin ni Gian ang lahat subalit nabigo ako. Hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon na mag usap. Hindi namin naayos ang mga gusot namin. Nabalewala ang pinagsamahan namin dahil sa isang payo na sa tingin ko ay tama. Dahil sa payo na iyon ay tuluyan ng nawala si Gian sa buhay. Gusto ko sanang pagsisihan ang lahat subalit alam ko na tama ang ginawa ko.

Ang masakit lang sa pangyayaring ito ay ang katotohanan na "Ang katotohanan pala sa panahong ito ay maaring magdulot ng sakit at dumurog ng puso ng isang tao". Dahil sa pangyayaring iyon ay hindi na ako umibig pang muli.

Naukit na sa utak ko na kahit kailan ay walang magmamahal ng tapat sa mga katulad ko. Hanggang sa mga oras na ito (May 28, 2008 na ang date ngayon) ako 21 yers old na ay wala pang pumapalit skay Gian dito sa puso ko. Siguro nga, wala ng lalaking magmamahal sa akin pa. Hanggang nagyon hindi na ako umaasa na makakatagpo ng taong muling magpapasaya sa akin.

Kay Gian, kung nasaan ka man ngayon gusto ko lang sanang magpasalamat sa iyo. Mahal na mahal pa rin kita pero tanggap ko na sa sarili ko na hindi na maibabalik ang dati. Alam ko na masaya ka na sa piling ng babaeng mahal mo. Siguro ikaw na ang huli kong mamahalin dahil alam ko na ikaw na lang siguro ang natitirang lalaki dito sa mundo na tanggap kung ano at sino ako. Honey ko, kung mabasa mo man ito, sana mag ingat ka palagi. Habang buhay ng nakasulat sa libro ng buhay ko ang kabanatang may isang Gian Carlo Rizala na dumating sa buhay ko at itinuring akong mas higit pa sa isang babae na nangangailangan ng tunay na pagmamahal. Honey ko, hindi kita malilimutan.

No comments:

Post a Comment